Wikang FilipinoTatak ng mga Pilipino
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang
kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at
damdamin ng isang tao. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali
ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa, pangarap at
kalsadang tinutugpa. Ang Wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating
natanggap mula pa sa ating mga ninuno.sapanahon ngayon batid ng mga Pilipino
na Filipino ang pambansang wika san mang pulo sa pilipinas ngunit talaga bang
alam nila kung ano ang kahalagahan nito?
Madali lamang para sa mga Pilipino
na gamitin ang wikang Filipino ,pero alam ba nila ang mas malalim na dahilan kung
bakit kailanggang gamitin ito.ang nais lamang iparating satin ay mahalin ang sarili
nating wika.Noon Tagalog ang
pinagbatayan ng wikang Filipino ,ngayon Filipino ang batayan na tayo ay Pilipino.madalas
na ginagamit ang Filipino sa bahagi ng Luzon na bahagi ng pilipinas .Bihira lamang
ang gumagamit ng Filipino sa bahaging visayas at Mindanao dahil may roon silang
sariling sinasalita gaya ng waray,bisaya at marami pang iba.hinati man ang
pilipinas sa tatlong pulo (Luzon,Visayas,Mindanao)tayong mga Pilipino ay may
roon paring iisang kultura,tradisyon,wikang pambansa at ang pinakamamahal
nating bansa ang Pilipinas.Batid natin na tayo ay Pilipino na may tatak ng Filipino
ganun paman bihira lamang itong gamitin
sa paaralan at maging sa tahanan.ang madalas ng ginagamit sa tertiarya maging secondarya
ay Ingles dahil batid na sa kanilang kaalaman na pag sinasalita nila ito ay mas
magaling silang tingnan,sakatunayantayo ay nasa bansang Pilipinas kaya mas
angkop gamitin ang Filipino para sa mga taong may tatak nito.Bilang mag aaral may karapatan tayong mag bigay ng opinyon para sa pag papanatili ng wikang pambansa.Ang Pilipinas ay gaya man ng ibong di malayang lumipad noon ,mas mapapaunlad pa ang Pilipinas ngayon gaya ng agilang lumilipad ng matayog sa himpapawid,may malayong nararating .Tatak nating mga Pilipino ang wikang Filipino.Panatilihing malinaw ang tatak pinoy dilamang sa puso't isipan maging sa sambayanan.